Regalong out of town trip ng Ama sa kanyang solong anak hindi nya inaasahan ang naging resulta

Minsan mo na bang pinangarap na magkaroon ng limpak limpak na pera? Yung gigising ka sa umaga at hindi mo na iisipin pa ang pagkain ng pamilya sa araw araw o ang panggastos ng mga anak mo sa eskwelahan? Madalas, napapasuko ka na lang sa hirap ng buhay mo?

For illustration purpose only.

Wala kang magawa, kundi magtiis at tingnan na lang ang iyong mga anak, ang iyong pamilya sa ganong kalagayan? Ang maikling kwento na ito ay para sa iyo na tiyak na kapupulutan mo ng aral sa buhay. Mayroong napakayamang pamilya sa isang kilalang lugar at mayroon itong nag-iisang anak. Nagpasya ang mayamang ama na dalhin ang kanyang anak sa isang lugar kung saan makikita nya ang tunay na hirap ng buhay at magagawa nyang pahalagahan ang bawat bagay na meron sila at tinatamasa nila sa ngayon.

Matapos ang kanilang paglalakbay, tinanong ng ama ang kanyang anak kung ano ang kanyang natutunan sa kanilang paglalakbay. Ang sabi ng anak sa kanyang ama, “Mayroon tayong isang aso ngunit sila may apat. Meron tayong swimming pool na abot hanggang sa gitna ng hardin natin pero sila may lawa at ilog na hindi ko makita kung hanggang saan ang dulo. Mayroon tayong mamahaling parol at mga ilaw ngunit sila may bituin sa gabi na nagliliwanag.

Mayroon tayong maliit na lupain ngunit mayroon silang bukirin na halos hindi maabot ng aking paningin. Mayroon tayong mga tagapalingkod ngunit sila naglilingkod sa ibang tao. Mayroon tayong mga pagkain na binibili natin ngunit sila mayroon silang mga pananim na pagkain na sila mismo ang nagtanim at nag-alaga.

Mayroon tayong matataas na pader para sa ating seguridad ngunit mayroon silang mga kaibigan na poprotekta sa kanila.” Natigilan ang ama sa sinabi ng kanyang anak. At nagpatuloy pa ang kanyang anak sa pagsasalita, “Salamat Ama, pinakita mo sa akin kung gaano tayo kahirap.”


Moral lesson: Maging mapagpasalamat sa anumang bagay na mayroon ka. Maaaring simple lamang ito sa iyong paningin ngunit isa itong napakalaking biyaya para sa ibang tao.